Dahil may kasabihan na “Walang mabibiktima kung walang magpapabiktima.” Huwag tanggapin na ito na ang itinadhana ng Diyos sa iyong buhay. Kailangan natin maunawan na tayo ay hindi magiging biktima, kung hindi magpapabiktima. Kung nararamdaman mo ang pakiramdam na ito dati o ngayon, hindi ka nag-iisa. Napakahirap ng sitwasyon kung ang ganoon and working environment mo. Ingat na ingat ka sa lahat ng iyong ginagawa! Nangangamba sa bawat hakbang na ikaw ay magkakamali at mapapagalitan. De numero lahat ang galaw mo dahil natatakot ka na magkamali, parang bagang ikaw ay ay naglalakad sa mga itlog na pwedeng mabasag kahit ano mang oras. Madalas silang nakatuon sa mga pagkakamali kaysa sa mga tama na iyong nagawa. Napakataas ng kanilang expectation na minsan mukhang napakaimposible mong maabot. Para kang dumadaan sa butas ng karayom upang matuwa lang sila sa iyo. Napakahirap magtrabaho kung alam mo na ang mga taong pinagtratrabuhan mo at kasama mo ay hindi naniniwala sa iyong kakayahan.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |